Monday, May 16, 2016

From the original author of Balikan Natin Si Nanay Artemia

ANONG BALITA KAY NANAY?
“Please read, 1 minute lang ‘to. Then share.
When we went to Mt. Manalmon in San Miguel Bulacan, naki-park kami sa tapat ng house ni Nanay. She’s 87 years old. Siya na lang mag isa sa maliit na barong-barong niya. Ang pinagkakakitaan na lang daw niya ay pangunguha ng dahon ng sampaloc around the place and binibenta niya sa market per kilo. Pinapambili niya ‘yung pera ng bigas. I asked her how about the ulam. “Ay hindi naman ako nag-uulam dahil bigas lang ang kayang mabili ng pera”.
12 ang anak niya, 6 na ang patay and 30 years na din siyang balo. Siya na lang mag-isa dito sa place with her 2 dogs. 'Yung 6 na anak niyang natira ay nasa iba’t ibang lugar na daw here in the Philippines dahil may kanya-kanya na din silang pamilya.
She’s not asking for help but she deserve one. She’s so kind. Binantayan pa niya 'yung sasakyan with her little flashlight kahit na hindi naman namin binilin.
Paulit-ulit siya ng sabi na mag-ingat kami pauwi and she even gave us pineapples. Sabi namin 'wag na but she insisted.
Please hikers, travelers, nature lovers, common tao, kind-hearted people, etc., visit mount Manalmon in San Miguel Bulacan and DON’T FORGET TO BRING PASALUBONG FOR NANAY.
She needs water, cooking materials, banig, unan, kumot, medicines, electricity (paano ba?), siguro radio na debaterya na lang and extra batteries para maaliw naman siya.
I think she needs little pangkabuhayan din para hindi na siya umiikot sa lugar para manguha ng dahon na pambili ng bigas.
Please sacrifice your P500.00 dinner buffet para sa ikaka-happy ni Nanay. Malaking bagay na sa kaniya 'to. Balikan niyo siya.
Please please. BALIKAN NATIN SI NANAY. “
I am very much overwhelmed sa naging result ng post ko regarding kay Nanay. Nakakatuwa na marami pa ring mga tao ang concerned sa kapwa especially sa mga matatanda. I didn’t expect na almost maging viral ito sa social media. I am very THANKFUL sa netizens, sa mga official fan page ng mga celebrities, sa mga celebrities, sa mga bloggers, sa mga individuals na nagbasa at lalo na to those people who went to Nanay’s place at sa mga pupunta pa. Thank you so much sa ibinigay ninyong ISANG MINUTO PARA KAY NANAY. Thank you sa mgaPASALUBONG NIYO KAY NANAY. I am sure na sobrang masaya si nanay dahil naramdaman niya at nararamdaman niya na despite sa age, despite sa status niya, ay marami ang nagmamahal sa kanya.

Alam ko na ngayon kung gaano ka-POWERFUL ANG 1 CLICK, ANG 1 SHARE. My facebook account was private, I have 1,680 friends but 18 individuals lang ang nag-click ng share button. Dahil sa click ninyo 55,326 shares na ito and padami pa ng padami, bukod pa dito ang mga shares sa fan page. Dahil sa click niyo, marami na akong nakitang posts na nagpunta sila kay Nanay. Dahil sa click niyo, HAPPY NA SI NANAY! :)

I have a request lang po. Please let us respect Nanay’s anaks. Do not blame them. I’m sure may mga reasons hindi na natin dapat ungkatin pa. Instead na sisihin natin sila, tulungan na lang natin sila na pasayahin si Nanay. Its not appropriate to judge them. WE DO NOT KNOW THE STORY. And also sa mga pumupunta kay Nanay, please do not post private information ni Nanay. Let us give her privacy pa rin for safety reasons.
Sa mga nagtatanong naman regarding sa details ni Nanay, you may visit our OFFICIAL PAGE posted below. Nabuo ito ng iba’t-ibang individuals at groups na willing tumulong kay Nanay. You just have to register. Simple registration lang ang kailangan to join. Registration is needed para mas organize tayo at mas madaling makontak lahat ng sasama at tutulong.
August 16, 2015 ang official eventEVENT SA BUHAY NI NANAY. EVENT SA BAHAY NI NANAY.

Ire-rebuild natin ang literal na KAYAMANAN NI NANAY. Magkakaroon din ng hiking at tree planting. We were able to talk na to those people na kailangang makausap regarding this. We are hoping na makasama kayo. Originally, 87 people (87 yrs old Nanay) lang ang napagusapan namin. But, dahil sa request ng mga tao at sa dami ng gustong makatulong, we decided na buksan ulit ito para sa mga gustong sumama sa event.

We would like to clarify also sa mga individuals na nagdo-donate, anything outside our group po ay hindi makakasama sa documentation namin at hindi rin po makakarating sa amin,unless makipag-coordinate sa amin.

Everything will be documented and we will post every detalye sa group na ito. You don’t have to worry sa kararatnan ng donations and tulong niyo dahil makikita ninyo ang changes sa BUHAY AT SA BAHAY NI NANAY. 
We are accepting plans, designs and ideas for Nanay’s house. We will be considering lahat ng suggestions ninyo, of course with the help of professionals na miyembro ng grupo and for Nanay’s approval din.

We are asking din na baka matulungan niyo kami sa sa yero, sink and toilet, pvc, kahoy, pako, hollowblocks, etc. We need manpower din po (welders, carpenters, etc). Kindly visit our page.
Tara, sama kayo! BALIKAN NATIN SI NANAY!
SI NANAY



MUNTING LUTUAN NI NANAY



LOOB NG BAHAY NI NANAY



BAHAY NI NANAY



KWARTO NI NANAY





Dear Nanay,


Maraming salamat po sa pagbabantay sa sasakyan namin na si Fibby. Maraming salamat po sa pineapples na imbis na kainin niyo kapag wala kayong nabiling bigas, pinili niyo pa rin na ibigay sa amin.  Maraming salamat po sa paulit-ulit na pagpapaalala sa amin na mag-ingat kami pauwi. Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa amin sa inyong tahanan. Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na makausap kayo kahit sa sandaling oras. Maraming salamat sa pagpapakita sa amin ng katatagan, ng katapangan na haraping ang buhay. Maraming salamat sa pagmulat ng mata namin. Dahil sa mga ito Nanay, tutuparin namin ang pangako namin sa inyo. Babalikan namin kayo. Babalikan ka namin, Nanay! 








Love,
Your Joyologist

No comments:

Post a Comment